Brand New Banyo

Sa wakas, natupad na ang isa sa aking mga pangarap. Hindi ko na kailangan pa sumulat sa Wish Ko Lang! Simula pa lang nung ginawa ko yung dalawang dingding ginusto ko na magkaroon ng munting banyo ang aking mga manika.

Ang ang nakakatuwa ay makali ang natipid ko. Matagal na ako naghahanap ng bathroom playset sa aking suking tindahan. Dahil wala akong nakita, napilitan ako bumili online. Ito ang mga Barbie playsets ang balak ko bilihin:



Recalled na ang mga 'to

Ang ganda di ba? Mura na (regular price) ang Php700 para sa isang Barbie playset. Naenganyo ako bumili agad dahil Php500 bawat isa ang bentahan online. Nagtext na ako sa tindera nung nakaraang Byernes ng umaga sa Smart number nya. Alas-dos na wala pa reply kaya nagtext ako sa Sun nya.

Tumawag sya sa Sun ko para ipaalam sa akin yung detalye ng delivery. Wala siguro load sa Smart. Hindi tataas sa Php200 yung delivery charge from Pampanga to Cubao via BLTB. Sosyal no? Parang nagpapadala lang ng bigas. Papatak na Php600 bawat playset. Mura pa din kumpara sa toy store.

Gusto ko na sana i-deposit yung pera pambayad para magawa ko agad yung bathroom. Limang oras lang kasi yung delivery via BLTB. Excited na talaga ako. Kaso sarado na ang bangko. Sa Lunes pa pwede magdeposit.

Dumating ang Sabado. May imi-meet kami na friend sa Festival mall. Nauna ako dumating (as usual) kaya window shop muna ako sa mga toy store (as usual). Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita.



Wala pang Php300 yan! Bakit hindi ko pa bibilhin? May nakita din akong home-office playset na ginawa kong next target. Masyado kasing pink. Hanap muna ako sa iba.

Maski yung bathtub lalo na yung vanity masyadong pink. Swerte ko dahil nakakita ako ng blue gift wrapping paper na mukhang tiles. Nilagyan ko din ng isang transparent na bintana para cute. Para libre boso na rin.


The Thinker


Banyo Queen


This is not an aquarium, you psycho!


Leaking Tub


Bumili ako ng mga manika na tig-50 pesos lang. Tinanggalan ko ng ulo para gawin manikin sa tindahan ni Millicent. Yung isa sa manika nakadamit sirena. Yun ang pinasuot ko kay Vernie. Anong say ni Dyesibel sa kanya?

Next project ko, gagawa ako ng isang tindahan. Naalala nyo pa ba si Millicent? Nagtitinda kasi sya ng mga damit. Iniisip ko pa nga pangalan ng tindahan nya. Kailangan ko pa ng ibang props like cash register, clothes hanger atbp. Bahala na!

Comments

. said…
Pwede ka ba mag-conduct ng tour ng iyong barbie world minsan. Nararamdaman kong malapit na ito maka-occupy ng isang buong kwarto.

Ugh, namimiss ko tuloy nung naglalaro pa ako ng Super Mario World.
gusto ko din makita ang itsura ng buong bahay....
[G] said…
*clap clap clap*

talagang may shadow pa sa leaking tub frame!

winnur ang bagong koleksyon na ito! can't wait for the bathroom scenes (rated PG man o hindi!).
Anonymous said…
baka malampasan mo ang astig ng universal studios hehe...'leaking tub'? as in peeing tub? joke.
Anonymous said…
ang cool naman nito! sana nga magawa na agad ang tindahan na yan!
Niel said…
Click here for storage pic

@joms, ganyan lang naman ayos nila sa bahay, ibabaw ng aparador. the other props are packed in cabinets and boxes.

@ewik, wala naman talagang dollhouse. I use decorated illustration boards as walls or backgrounds. Masmadali itago keysa sa dollhouse.

@gibo, *bow* pero i don't have that banyo scene. i bought it just in case i need it. baka maubusan na naman ako.

@tagabukid, pwede din. depende sa laman ng tub. ewww!

@prinsesa, i started doing it. indi sya mukhang tindahan. hehehe.
astig tlga...

uu nga kelangan ng tour!
Anonymous said…
ang galing! baka makabuo ka na ng isang doll town nyan! intayin ko yan....
gingmaganda said…
now isn't this an obsession na! waha!