_____________

Sep 27, 2008

Millicent

Mukha bang mayaman itong si Millicent?


Nakuha pa na magpa-lip enhancement.


Pero sino ang mag aakala na pinulot lang sya sa ukay-ukay?


Nabili ko sya sa ukay-ukay sa halagang P100 lang! Sya ang kauna-unahang Barbie doll ko. Yung iba kasi clone lang. Hindi tulad ng ibang Barbie, may siko sya. Kinunan ko sya sa harap ng magazine pages para maganda ang background ng kanyang pictorial.

Mula sa mukhang baliw na cheer leader, ginawa ko syang mukhang kagalang-galang. Play-Doh ang ginamit ko para sa kanyang lip enhancement. Pwede palitan at baguhin ang kulay parang naglilipstik lang. Mahirap nga lang ihugis ang labi.

Sya si Millicent. Abangan kung kelan sya makikigulo sa One Sixth Sense.

5 comments:

Mugen said...

Excited na ako sa magiging character niya! Hehe.

prinsesamusang said...

galing naman ng pagpapalit anyo ni millicent!

tagabukid said...

kaya ba millicent pangalan dahil sa P100 worth? galing ah. kaya pag may makilala akong millicent alam ko na value nya hahaha...:D

nice, niel.

Niel Camhalla said...

@joms, i already have the story in my mind kaso parang hindi naman masyado funny yung kwento. medyo madarama nga e. ayaw ko naman ng darama sa comic strip. comic nga di ba? so medyo challenge ilabas yung character nya.

@prinsesamusang, thanks, thanks!

@tagabukid, not exactly... Millicent middle name ni Barbie :)

Gibo said...

winner ang lips ha..feeling ms angelina :-)

edgy dapat ang karakter nito.

Related Posts with Thumbnails